Entries for September, 2005
September 8th, 2005
Ergh! POSTED AT 11:53 PM Yun lang Have a nice day. Yes? Comments?
|
|
September 9th, 2005
Menos BeerDay. POSTED AT 09:28 PM Anyway yeah I thought I was out of the sched when I found out that there wasn't any Beerday celebration. Oh goody. I wonder if they felt the same way: Rest muna...... And yeah I would REALLY like to say here in this entry, how I've forever frequently have been (ugh,.) recieving Bad Luck just riding the MRT. I've lost two of the most special Sentimental Valueables. One was this bonnet, my dad gave to me, he used it when he was in Italy for 8 years. And the 2nd one, I just lost earlier while squeezing my way out. My mom's gothic bracelet, floral, silver... And SHIT she doesn't know I got it from her treasure chest/drawer. Darn the good 'ol times! Now I feel all the guilt of the world. I've been such a darn liar. Lightning strike me! Ugh..... Ooooohh! It's Ein's birthday! And some other person's birthday! So happy birthday! Ein! Tanda mo na! Pero mas matanda ako. Hehehe nAh just kidding. ( ^_^) Ooops! Internet... I just bought the 5 hour ISPx Bonanza. Poor me. And I still have to pay up coz I've got gazillions of debts and losses I have to repay. Not to mention birthday gifts. and OH YEAH school supplies. ( @_@) and my mom's here now. AGH!!!!! I hope she doesn't figure out about the bracelet. Ugh please. I know it's a lie! But if you would just imagine how she just talks NON-STOP, arguing and all the ishi-bishi crap she says... Crap.. Learnings... THAT ANNOYS ME SO MUCH sometimes. Okay. This is getting pretty interesting coz I'm not making any sense again coz I'm always NOT making any sense coz I'm this insensible person "Ohhh! Shut up!" (expressing with british accent. Hahahaha naks!) Loka! Out na nga ako. Magbabasa na nga lang ako ng libro hehehe oooooohhh sin sin sin sin. Ako na yata ang pinaka makasalanang tao.. Yata. Lord? Uhm........... What oh what should I do? And Lord? When will this country go back to being.. well, Normal? ( ^_^)? |
|
September 13th, 2005
Anong tagalog ng Unfair, Daya? POSTED AT 11:20 PM Nakfuta... ANG DAMING LAMOWK! Lumbayan nyo ako! Gahr! Anyway... Ba't ganon? Gusto mong mag-open up sa'yo ang isa mong friend pero never naman nyang ginawa. Diba parang ang Unfair non? Napaisip lang ako e. Kung sana mag-open up lang kahit papano e masaya-saya naman ang kalooban ko kasi friend ko na siya, edi mas pagandahin pa ang friendship kung nakapag-share ng mga personal stuff. para hindi na lang lagi biruan at gaguhan at musika at kultura, o kung ano man. Mga personal naman.... Pero.... Well.... Iniisip ko na lang na marami naman akong kaibigan sa mundo. Well sa paligid lang pala.... Marami naman ang nagtitiwala sa akin at buong pusong nagshe-share ng mga problems nila.... Kahit papano.. Kahit hindi 100% complete... e pwede na yun! KSP lang kasi talaga ako. Nakakatuwa naman ang katauhan ko. Sarap batukan. Nyenyenyenye... ( ^_^) At salamat nga pala sa friend kong malupet sa.. basta malupet, lam mo na kung sino ka. Binabasa mo pala blog ko ha! Well o well binasa ko rin naman yung sayo dati but don't worry, hindi naman ako tumawa ng malakas after reading your entries. I thought na it was quite interesting. Well blogs are an interesting reading material, don't you all agree? Lalo na kung ano.. Basta it's nice to read! Yehey. Malapit na akong matapos sa Harry POtter, speaking of reading.... Nakakainis si Professor Umbridge! Sana nagkatuluyan na lang sila ni Harry Potter at Cho Chang. Hala labo. Joke lang. Ba't ganon.... Ayoko ng isipin na unfair ang sitwasyon ko. Isipin ko na lang ang facts na: I can't get everything I want. And.... Plus, I'll just love my friends so much and be sensitive enough to just care for them... Be there, not just sitting in a corner (like what I do..) And stare at the window, gazing at the green green green green (oo na berde na ehehehe..) green grass and lofty trees... I really like staying beside a window coz I like looking at the sky and the trees and nature, and the skyscrapers. Makes me feel calm and relaxed. Makes me feel away from old hag problems. Makes me.... O SIGE NA TAMA NA nakakaantok na ito! Yehey. Blog blog blog. What good does it do to me? Nyehehehe ang sama ko. Layla lay GARRRR LAMOK! ( T_T) WHAAAAAA naiinis na ako! Sa lamok a. (attempting to kill a Lamok) PAK!whahahaha nakapatay akong isa... well like 10 to go? Ick! T.O. naman.. Goodnight everyone! Keep safe ingat kitakits. P.S. Haaay school nanaman, same old same old nanaman. Ayyyy. |
|
September 15th, 2005
"I want to put your fire out..." POSTED AT 11:44 PM Is it me! Is it me, really. Coz I don't know kung ako ba yung may problem or siya. Yes you whom I consider my friend but just this friend for the sake of sheer company "only". Yes you, who just Loooooves to laugh and tell all sorts of jokes. Yes you, who never fails to catch a girl's attention. Yes you, staying the way you are.. Which makes me more pissed by each passing time.... Hindi ko kasi alam kung bigla ka nalang maiilang sa akin. Kapag sa ibang tao, okok ka naman, pero pagdating sa'kin, parang mag-iiba ang pkikitungo mo sa'kin. Tapos.. NEVER kang nag-open up ng mga personal na bagay, lalo na sa akin. Sa iba nag-o-open up ka pa, dun pa sa mga taong kinaaasaran mo at hilig mong asarin kapagka nakatalikod na.. Anukaba.. Matanong lang kung sinong niloloko mo? Ako hindi ko alam kung ikaw ang nakikipag gaguhan o ako e. Dahil ba nagkagusto ako sa'yo noon kaya malaking factor yun sa pag-iba mo ng pakikisalamuha sa akin? Ano na ba ang tingin mo sa'kin ngayon a? Ano ba ang tingin mo sa akin? Ba't madalas, minsan, iba talaga ang pakikitungo mo sa akin? Bakit? BAKIT???? Sinubukan ko ngmag-inarte, as if, normal-normal na lang ang mga bagay-bagay. I tried my hardest to laugh at your jokes and be one with you guys. Pero kanina.. Nag trigger lang yung galit ko sa kalooban ko: Ano ba ako? Feeling ko minsan, I don't exist e. PARANG IMBISIBOL lang ako e! ANG WEIRD MO! ANUKABA SNAP OUT OF IT NGA! Ba't ano ka ba? Kaya, nakakaburaot na minsan pumasok e. Ikaw ang isa.. ISA sa mga rason kung bakit ayokong pumasok sa paaralan matalinghaga.. Isa sa mga rason kung bakit napapa-kwestyon ako sa katauhan ko. Sinabi nga sa akin ng matalik kong kaibigan at kaklase na huwag na lang akong magpaapekto sa mga iniisip ng iba. Sinubukan ko na iyo at ginawa. Hindi ko nagawa. Ano.. Ako ba ang kahihinatnan ng pagkakamaling yaon? Hay.. Nako!.. Ikaw..... Sigh*...... Friday bukas at dadalhin ko na ang gift mo. Nagdadalawang isip nga ako kung ibibigay ko ang gift sa'yo e. Ang possible outcome na naiisip ko ay: Tatanggapin mo ang regalo ko pero hindi mo magugustuhan, pagtatawanan mo lang o di kaya makokornihan ka sa regalo ko. O di kaya hindi mo papakita sa sakin na ayaw mo ang regalo ko kaya gagawin mo na lang itong basahan.... HIndi ko alam e. Naiinis lang ako sa sitwasyon. Parang ibang iba lang ako sa inyong lahat. Ibang-iba ako sa mga magagandang mata mo! Kapag ako'y napuno, baka bitawan ko na ng kusa e. Hindi sa nananakot ako (which I'm almost am doing..) Pero may limit din ako.... Pasalamat ka na hinabaan ko ang pasensha ko sa'yo. Impatient pa naman ako.. Pero dahil mahal kita as a friend e, pinagpapasensyahan ko na lang ang lahat lahat e at nagpapakatanga na lang if ever na ginagago mo talaga ako. Ano ba talaga a? ****** ***** ano ba TALAGA? Currently feeling: parang gusto ng magmura.. |
|
